Yang Human Rights Na 'Yan: Capitalism, It's Not Giving
This is a transcript of season 2 episode 2 of ‘Yang Human Rights Na ‘Yan, PhilRights’ podcast on human rights and social justice. Listen to the episode onSpotify.
Sa episode na ito, tatalakayin ang historical revisionism sa konteksto ng martial law sa Pilipinas. Kasama si Professor Nymia Pimentel-Simbulan, Executive Director ng Philippine Human Rights Information Center o PhilRights at Chairperson ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates o PAHRA.
00:06
Noa: Hello everyone. Welcome to ‘Yang Human Rights na Yan, ang podcast tungkol at para sa, Human Rights at Social Justice. Ako si Noah and today we're talking about something na madalas nating marinig pero bihirang himayin: Capitalism. Is capitalism serving everyone, or is it only designed to enrich an elite few?
If you're like me nadaanan mo na yung salitang capitalism, sa social media at nakita ang salitang ito na nakapaskil sa mga plakard ng mga rallyista sa daan. At first naintimidate ako sa term na yun, kaya isinantabi ko muna ang pagintindi dito. Pero through webinars ng mga human rights organizations, may basic na akong kaalaman tungkol sa kapitalismo.
Kaya sa episode na ito samahan niyo akong intindihin nang mas mainam ang kapitalismo. This episode we have with us the Vice President for Legal Affairs of the Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms Federation or SUPER Federation and the Campaign Manager of Atty. Luke Espiritu to shed more light on the topic and tell us what is capitalism really giving? Let's welcome to the podcast, Mr. Merck Maguddayao.
01:25 *Music*
01:29 Noa: Hello, sir Merck, welcome po sa ‘Yang Human Rights na 'Yan.
01:32 Merck: Okay, magandang hapon, kasamang Noa. Wag nang sir. Kasamang Merck na lang bilang nasa labor movement and human rights advocacy rin kasi tayo.
01:41 Noa: Sige po, ayan. Bale ngayon tatalakayin po natin ang kapitalismo, medyo may pagka mabigat po ito, handa na po ba kayo d'on?
01:52 Merck: Araw-araw tayong nabubuhay sa kapitalismo at araw-araw nating binabaka 'to. So fire lang, fire.
02:00 Noa: Sige po. Bago po tayo magsimula, nabanggit po na kayo po ay taga SUPER Federation, ano-ano po ang mga hakbang na isinasagawa ng SUPER Federation?
02:12 Merck: Ah yung SUPER Federation or Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms, isa siyang Pambansang Pederasyon ng mga Unyon at Samahang Paggawa sa Pilipinas, registered sa DOLE, itinayo nung 1997 as a merger of two federations mula pa nung ‘80s to namamayagpag. Nagmerge into SUPER Federation in 1997. And in fact spoiler ko na--by March 2025 magkakaroon ng bagong merger ang SUPER with three different federations in the Philippines. Pagre-rebrand ito at pagre-rename and mas lalaki siya than ever.
So ano bang ginagawa ng isang labor federation? We engage in collective bargaining, union-building. Pagtatayo ng mga unyon, alinsunod ito sa ating constitutional right ng mga workers to self-organize at hindi lang ito isang simpleng constitutional right under article 3 of the Constitution, kung 'di ito ay nakasaad rin sa article 23 of the UDHR, United Nations Declaration of Human Rights. Karapatang mag-organisa ng mga manggagawa. At nasa ILO Convention natin 'yan. So deputized tayo bilang federation officer na nakatutok sa legal affairs to represent our member unions and individual members. Sa iba’t ibang labor proceedings and negotiations. Kasi karapatan ng manggagawa na mag-unyon at kapag nag-unyon siya, karapatan niyang makipag-negosasyon nang sama-sama para sa pagtaas ng sahod at pagtaas ng benepisyo at iba pang karapatan. Marami at iba’t iba ang mga federation sa Pilipinas pero ang SUPER Federation ay kasapi sa Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino or BMP. Ibig sabihin meron kaming political life, 'di lang kami simpleng hanggang collective bargaining actions lang ganyan o pagu-unyon. Kami ay sumasabak sa mga pampulitikang pakikibaka o usapin lalong lalo na ngayon nakabinbin sa kongreso ang legislated wage increase na ngayon eh tinutulugan ng Romualdez Congress.
04:23 Noa: Seems like po na perfect guest po kayo kasi may experience po kayo in collaborating kasama ang mga manggagawa tapos may experience rin po kayo political aspect tsaka sa legal at lalong lalo na rin sa pakikibaka para sa mga manggagawa. Magsimula po tayo sa “Ano nga ba ang kapitalismo?”
04:49 Merck: Kapitalismo, yan isa sa mga, sabi ko nga kanina, na isang bagay na araw-araw tayong nabubuhay d'on. Lahat ng tao sa buong mundo ay namumuhay sa ilalim ng kapitalismo. Basically, ang isang sistema, pandaigdigan 'to, kung saan ang lohika ng paglikha ng mga pangangailangan nating lahat ay nakabatay sa pagpapalago ng kapital. Syempre, kailangan nating sagutin ano nga ba yung ibig sabihin ng kapital? Ito yung anumang bagay na nakaka-create ng tinatawag na surplus o yung yamang labis sa pangangailangan. Surplus, ibig sabihin in the form of profit, tubo o mga sobra-sobrang mga bagay na iilan lang ang nagmamay-ari nun privately. Iilan lang ang nakikinabang noon. Ano yung iba’t ibang anyo ng kapital? Andiyan yung pera, of course, puhunan, lupa, makina, kaparaanan, methods o process ng mga raw material, mga produkto para maging kalakal na ibebenta sa merkado. At kapalit nun ay tubo. Pero mamaya pwede nating palalimin, paano ba nagegenerate ang tubo. Medyo may mag jargon ito. For sure may mga nakikinig tayong mga manggagawa, lalo na sa mga factories gets nila 'to.
06:26 Noa: Since namention niyo nga rin po na iilan lang ang may hawak ng resources na iyon, sa pagbebenta, sino po ang nakikinabang at bakit sila lang po?
06:38 Merck: Ito ay ang mga tinatawag na “uri” mga uri, ito’y uring kapitalista. Sila yung nagke claim ng private ownership, pag-aari nila, hindi yung simpleng ari-arian lang kagaya ng bahay, gamit, bag, o kung ano mang nakalagay sa bag. Hindi ito mga personal belongings kundi private property sa mga pamamaraang paano maka-create ng surplus at ng tubo, ng labis. Para yun yung kakamalin niyang yaman, yung puhunan, kapital, lupa, makina o mga materyales para mapalago ang kapital na later on kaniya ring kukunin yung excess na naproduce nun, excess na value ng goods. So yun yung uring kapitalista.
07:31 Noa: Ayun. Ano naman po ang kapital at paano nagiging kapital ang isang bagay?
07:38 Merck: Kapag kaya na magcreate in excess, surplus na siyang dahilan din ng uring kapitalista. Halimbawa isang sikat na anyo ng kapital sa Pilipinas, very primitive nga eh. 'Yan 'yung lupa. Magla-land grab siya, sasabihin niya “Oh may titulo ako rito, pag-aari ko to.” magtatayo siya ng subdivision, magtatayo siya ng casino, magtatayo siya ng mall o ng condo tapos mangongolekta ng renta. Ayan, isang form ng capital. Andiyan rin yung classic na kapital sa industriya, yan naman yung meron kang mga makina, mayroon raw material na resource, ipa-process mo yan bilang kalakal, yung kitang magegenerate nun na wealth, parte lang n'un, maliit na parte lang nun ang ipapasahod mo doon sa mga gumawa n'un, doon sa manggagawang gumawa n'un. Tapos yung napakalaking bulto ng yaman o surplus na nalikha nun ay mapupunta sa iyong bulsa bilang kapitalista, iyo na yun. Syempre andiyan din yung commerce, ayan yung kapag nagbebenta ka ng mga kalakal, may konting mark-up yan, pwede ring yan form of capital. Pero ang pinaka pangunahin niyan talaga ay dun sa produksyon. And dito sa Pilipinas medyo weird, atrasado pa ang kapitalismo dito, andiyan din yung pangongolekta ng renta.
08:59 Noa: Maraming salamat po sa pagpapaunawa, kasi akala ko dati yung kapital lang ay yung pera lang, meron pa palang iba katulad ng mga serbisyo, yung lupa, ganun. Namention niyo nga po na malaki ang ibubulsa ng may-ari tapos, maliit lang ang ipapasahod. So, definitely halata na may inequality doon. Would you say po na ang sistemang kapitalismo, nagrerely ito sa inequality?
09:35 Merck: Inequality kasi ay byproduct lang ng capitalism, hindi siya yung cause, hindi siya yung sanhi. Epekto siya ng kapitalismo. Ang tungtungan ng kapitalismo ay ang konsepto ng “private ownership.” Pribadong pagmamay-ari doon sa mga kaparaanan para lumikha ng yaman. Dahil privately owned mo yan---lupa, pera, makina, materyales, privately owned mo yan, masasabi mo na “Ako rin ang may kita, kasi ako nagmamay-ari nito eh, pribado eh. Ako yung may k na kukuha ng labis na yaman na nagegenerate, dapat mapunta yan sa akin, kasi akin yan eh, privately owned ko yan.”. At dahil dun, iilan lang naman yan, iilang tao lang naman ang nakakapagmay-ari ng pribado ng mga kasangkapang ito, ang kaunti lang niyan. Tas ang marami diyan, ay wala namang pagmamay-aring ganyan, wala namang private ownership. Ang mayroon lang sa kanila ay yung kanilang kakayanan na ibenta ang kanilang lakas para makapagtrabaho dun sa mga kapitalista. Tas ang kapalit nun ay sweldo na equivalent ng sweldo enough para makareport siya kinabukasan sa trabaho. At walang naiipon dun masyado, lalo na sa Pilipinas. Yung mga minimum wage earners, kulang yun sa cost of living nila. Dun nalilikha yung inequality, kasi iilan lang yung nabibiyaan o nagke-claim na sila ang may private ownership at bilyun-bilyon yung walang ganun at meron lang sa buhay ay ang kanilang kakayanang magtrabaho.
11:11 Noa: Nabanggit niyo po na ang cause ay private ownership at ang effect ay ang inequality, ano po sa tingin niyo ang visible effects ng capitalism sa lipunan natin ngayon?
11:26 Merck: Ang isa sa mga rules of capitalism o sinasabing lohika ng kapitalismo ay ang mga iba’t ibang owners they are organized into corporations eh, big businesses, corporations. Compete sila, para sila ang umabante sa taas, para mas maging affordable ang kanilang mga produkto, pararamihin nila ang kanilang pinoproduce na mga kalakal, kahit ang dami doong natatapon. Maungusan ang kakompetisyon at sila ay maging monopolyo sa isang partikular na industriya. So nandiyan yung kahirapan, syempre kasi para mapalago yung produksyon, kailangan pagtrabahuhin mo nang pagtrabahuhin yung mga manggagawa. Labis labis, magi-invest kay modern machine, so ang manggagawa hindi naman umaangat ang sahod. Pero ang isa pang napakatinding produkto ng kapitalismo o epekto ng kapitalismo na nararamdaman natin sa ngayon ay ang pagka-gunaw ng kalikasan. Kasi ‘di mo na nili-limit ang pagproduce ng mga bagay-bagay kasi nga kompetisyon nga eh, kailangan paramihan kayo, pagalingan kayo ng napo-produce kahit ang daming natatapon diyan. Unlimited din ang pagpo-produce ng mga greenhouse gas, mga masasamang hangin nakakabutas sa ating ozone layer, nakakasira sa ating atmospera at siyang nagdudulot ng katakut-takot na bagyo, abnormal na siklo ng panahon at matitinding tagtuyot na nakamamatay talaga. Ulan at tagtuyot na nakamamatay sa milyun-milyong mga tao na yun ay isang recent na epekto ng kapitalismo. In 200 years na pag-iral ng kapitalismo, talagang binago niya ang klima. So hindi lang ito usapin ng inekwalidad sa totoo lang; hindi lang ito usapin ng kahirapan, usapin rin ito ng pagka-gunaw ng kalikasan.
13:17 Noa: Ngayon naman po, p'wede pong tanungin, ano po 'yung epekto ng kapitalismo sa karapatan ng mga tao?
13:25 Merck: Oo. Ang ganda nitong usapan natin 'no kasi usapin ng human rights sa karamihan, usapin na ito ng good vs. evil eh. Isang loko-lokong presidente nung nakaraan, walang pakialam sa human rights at itong presidente ngayon, kahit 'yung recent na nanalong presidente sa Amerika, eh sanggano-sanggano ganiyan 'no, walang pagtanaw na actually ang pag-violate ng human rights, ay nakatuntong talaga, sa totoo lang, pagprotekta ng uring kapitalista sa kanilang pribadong pagmamay-ari.
Example diyan, pansinin mo ang mga batas dito sa Pilipinas. Tapos sabi natin 95% sa Pilipinas, may kinalaman sa pagprotekta ng property. Sa totoo lang, 5% lang–baka nga 3% lang ay may kinalaman sa karapatan na ng mga mamamayan. Kita mo diyan 'no, nandiyan ang law on inheritance, law on pag-merge ng property ng mga mag-asawa, ng pamilya. Andiyan 'yung law on Corporate Code, Civil Code. Kahit 'yung criminal law natin, ang dami diyan pine-penalize 'yung pagnanakaw at pag-uumit ng ari-arian ng iba. Di ba? Talagang much of our laws are about protection of property. Ilan lang diyan 'yung batas hinggil sa, 'ay meron ka palang dignidad bilang tao, meron ka palang karapatang magpahayag, mag-organisa bilang mga samahan o unyon, magkaroon ng malayang kuro-kuro,' di ba? 'Magkaroon ng kalayaan na hindi ka basta-basta aarestuhin ng estado,' iilan lang 'yan. Nasa bill–iisang section nga lang sa Constitution 'yan kung tutuusin eh. The rest are about the government, about property. Mas marami talagang batas ay para proteksyunan 'yung mga mayayaman. Paano kapag kanilang batas ay may imbalance? Kasi ang ating batas, ang ating "rule of law," ay nakasaggi talaga sa pagprotekta ng private property na siyang tuntungan ng pag-iral ng uring kapitalista, at siyang nagiging tuntungan ng kapitalismo. Kaya likas sa kapitalismo ang pag-violate ng human rights para maproteksyunan ang property interest.
15:49 *Music*
AD BREAK
16:00
Cholo: Isang mapagpalayang araw! Alam n’yo ba kung paano mas mapapalakas ang boses n’yo sa komunidad, classroom, o barangay? Kung gusto mong malaman, we’ve got something exciting for you!
Dee: Ipinakikilala ng Philippine Human Rights Information Center o PhilRights ang Rights-Based Approach (RBA) Praymer! Think of it as your ultimate guide—madaling intindihin, puno ng practical tips, at super useful para sa mga gustong magtaguyod ng karapatan ng bawat tao sa lahat ng aspekto ng buhay!
Cholo: With the RBA Praymer, malalaman mo kung paano gagamitin ang human rights principles para palakasin ang pro-people na pamamahala sa inyong lugar, maeduka ang mga kabataan at estudyante, at maging inspirasyon sa inyong community projects. Perfect ito para sa mga educators, community leaders, youth groups, at kahit mga barangay officials na gustong gawing makatao ang kanilang serbisyo!
Dee: At hindi lang ‘yan—may bonus pa! May mga sample activities, case studies, at tools na pwede mong gamitin agad-agad para ma-practice ang RBA sa iyong araw-araw na buhay o trabaho.
Cholo: Kaya kung gusto mong maging human rights defender in your own way, ito na ang chance mo! Request a free copy ng RBA Praymer ngayon na! Mag-email lang sa info@philrights.org para humingi ng libreng kopya.
Dee: Oo, huwag nang magpatumpik-tumpik pa! Let’s make sure that everyone’s rights are respected and protected. Tara na, mga kababayan! Let’s build a society that’s truly for the people!
INTERVIEW PART 2
17:43 *Music*
17:53 Noa: Ngayon tumungo naman po tayo sa exploitation. Ano nga ba ang exploitation at bakit ito mahalaga sa diskusyon natin sa kapitalismo?
18:04 Merck: Basic ang pinakabatayang anyo ng exploitation sa kapitalismo ay 'yung relasyon ng paggawa sa kapital–labor to capital. 'Yung labor, ang halaga ng paggawa, tinitingnan, hindi in terms do'n sa ano yung aktwal na halaga ng na-produce niya na dapat doon sa nag-produce, doon sa gumawa, doon dapat papunta 'yung aktwal na goods o halaga ng nai-produce niyang kalakal o serbisyo. Kaya lang, hindi, dumadaan muna 'to sa nagmamay-ari ng kapital, mga kapaka-arian. 'Yung produkto ng labor na 'yan, kasi hindi mo naman napo-produce ang yamang 'yan eh. Kalakal, mga basic goods na ibebenta sa merkado, hindi naman 'yan mapo-produce 'yang raw material na 'yan into a finished product–hindi 'yan mapo-produce kung hindi dumaan sa kamay ng manggagawa. Without the worker, wala 'yan, walang halaga. Kaya nga hindi nga limitado sa pera ang kapital. Mapapa-walang halaga ang perang 'yan kung walang manggagawang magpo-process ng raw material na 'yan. Pero, instead na pumunta directly sa manggagawa ang yamang nalikha sa produksyong 'yan, paglikha ng kalakal na 'yan, mauuna muna sa kamay ng kapitalista at ang ibibigay niya sa manggagawa ay 'di ang halaga ng aktwal na oras ng tinrabaho niya, kundi 'yung halaga ng kaniyang pangangailangan para kinabukasan magrereport siya sa pagawaan, sa opisina, at magtrabaho. Hindi niya ibinibigay 'yung just share, kundi sahod na equivalent lang sa kaniyang cost of living para maka-report sa trabaho kinabukasan. 'Yun ay batas na nilikha dahil mayroong private owner ng means of production, na siyang nagdedetermina ng halaga ng gawain. Ito ang naging general rule ng kapitalista. Ayan ang number one exploitation under capitalism.
20:07 Noa: 'Yung mga nagmamay-ari ay taking more value than they give back.
20:12 Merck: Yes, yes, yes. Ito ay batas ng kapitalismo. So kailangan maunawaan ng ating viewers na may sistemang umiiral na ganito ang patakaran.
20:23 Noa: Gusto po naming tanungin, may mga experiences o mga obserbasyon po ba kayo sa mga sektor na nadaanan ninyo po patungkol po sa exploitation po.
20:35 Merck: Oo. Eto nga, dito na nga ko sa labor, sa kapitalismo vis-à-vis sa human rights–human rights violations. So nandiyan 'yung constitution natin–kaunti nalang nga 'yung about sa human rights sa batas natin. Nakalagay doon, kailangan nirerespeto ang karapatan sa pag-uunyon, sa pag-oorganize ng union for the purposes of collective bargaining–pakikipagtawaran ng sama-sama para sa mataas na sahod. Ang experience namin, 95% of the time, 'pag nag-oorganisa kami ng unyon, ang sasabihin, "pampagulo kayo! Hindi pa kayo kuntento sa binibigay naming sahod? O pwede naman nating pag-usapan na lang ito." Kaya nga nag-unyon para merong legal mean. Sinasaad sa konstitusyon, sinasaad sa Labor Code. Di ba. Pero sasabihin niyan, 95% of the time. Alam nating kalokohan 'yan kasi wala pa akong nakita sa talambuhay ko na isang kompanya na may unyon na nagsara, wala. Kasi may mga unyon naman kami na umunlad pa nga businesses ng mga kapitalista inunyonan namin, umunlad pa nga businesses nila eh kasi ganado magtrabaho ang mga manggagawa eh, ok sweldo nila eh, mas nagiging productive eh, mas nakakaambag pa eh sa pagpapalago ng kompanya eh.
21:59 *Music*
22:03 Noa: Ngayon naman po, sa usapin ng labor exploitation, sa ilalim ng kapitalismo, paano po natin maaaddress ang isyung ito? Sa pamamagitan po ba ng policy change or a shift to a different system?
22:19 Merck: Ang number one policy reform para mabawasan 'yung exploitation sa sahod ng manggagawa ay i-legislate na ang wage increase. So ang panawagan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, plus 750 sa daily rate na natatanggap ng manggagawa, plus 750. So sa NCR, 640 na, so 640 plus 750 daily. Pero we also support bottomline, yung pinaka-minimum na dagdag, which is plus 150, na siyang isinusulong ng mga ibang mga labor federations, sinusuportahan din namin 'yan. Nagre-range sa 150 pesos to 750 plus prevailing wages sa Pilipinas. Pero dapat, ito ay pantay. Pantay ang sahod ng NCR hanggang sa pinakamalalayong probinsya sa Pilipinas dahil ang halaga para mabuhay ay pantay lang–pantay ang presyo ng gatas, ang presyo ng bigas, ang presyo ng processed food, pantay lang 'yan sa presyo ng NCR sa presyo ng probinsya. So alisin ang pesteng provincial rate na 'yan. Sinasabi ko nga eh, ang number one cause ng traffic sa Metro Manila...hindi 'yan dahil palpak lang, dahil marami lang sasakyan dito eh–parte 'yan ng problema ng traffic, pero ang number one na sanhi ng traffic sa Metro Manila–ang baba ng sweldo sa probinsya. May provincial rate kasi eh, talagang magsisiksikan ang mga manggagawa dito sa NCR. Kahit papaano 640 pesos a day. Alisin na 'yang provincial rate na 'yan. So kapag binabansot mo ang sahod ng manggagawa, babagsak ang kapitalistang ekonomiya kasi hindi makabili nang maayos ang manggagawa eh–patingi-tingi lang siyang bumili, so patingi-tingi rin ang ekonomiya dito sa Pilipinas. Kaya nga tayo bumabagsak eh, sa mga kapitalista pa natin, to offset, 'yung kahinaang 'yan, magpaparenta nalang ng lupa. Napakatamad na venture no'n. So kailangan maging disente man lang ang sahod ng manggagawa. I've been to Denmark in 2018, mga isang buwan ako tumira do'n. 'Yung basurero ng hostel namin, no'ng tinanong ko 'yung sahod, equivalent siya sa 120,000 pesos a month, kung i-coconvert mo sa peso 'yon. Basurero 'yon ha, gano'n kalaki ang sahod. Imagine mo, p'wede naman 'yon.
24:41 *Music*
CLOSING SPIEL
24:46 *Music*
24:49 Noa: So, capitalism. What's it giving? It literally ate and left no crumbs–benefitting only the few at the top. But for the majority, especially workers and farmers, it's a system that continuously takes more than it gives. While some argue na may trickle-down effect–meaning, eventually, everyone benefits, the truth is, it doesn't work that way. The system was built to keep the rich richer and the poor struggling.
So, ano nga ba ang dapat gawin? We need to put people over profit. Human rights, fair wages, land reform, these are not just ideals, they are necessities if we want a truly just and humane society. The change starts with us, with solidarity and with a demand for a better system that values people over profit.
Ayun, dito na nagtatapos ang episode. This has been Noa for 'Yang Human Rights na 'Yan! Maraming salamat sa pakikinig. Next episode, tatalakayin natin ang karapatan ng mga bata. Kitakits sa susunod na episode. Paalam!
CREDITS
This podcast is a production of the Philippine Human Rights Information Center and the Philippine Alliance of Human Rights Advocates. Check out our show notes for links to our socials. Thanks to Lia Snyder for our podcast artwork.
Learn more about capitalism and human rights! Check out these videos.
Capitalism: A Love Story by Michael Moore
Sa Ngalan ng Tubo by Tudla Productions

